Naging eye-opener daw para kay Alden Richards ang nararanasang health crisis ngayon dulot ng COVID-19. Napagtanto raw niya na ngayong panahon ng pandemic ay pantay-pantay ang lahat.
Ibinahagi ito ng Kapuso prime artist sa kanyang Instagram Live nitong Miyerkules ng hapon, April 29.
May fan siyang nagtanong kung sino sa kanilang pamilya ang namimili ngayong may enhanced community quarantine.
Sagot ng aktor, “I do the grocery sa bahay. Ako yung lumalabas, ako yung runner.”
Naninirahan si Alden sa Sta. Rosa, Laguna—ang kanyang hometown.
Sa ipinapatupad na ECQ, isang tao lang sa bawat bahay ang binibigyan ng quarantine pass para makalabas at makapamili ng basic needs, gaya ng mga pagkain at gamit.
Ginagawa raw ni Alden ang lahat ng pag-iingat kapag lumalabas ng bahay para matiyak na hindi siya magdadala ng virus pag-uwi.
Kuwento niya, “Siyempre, after doing the groceries, sasalubungin na ako ni Ate Virgie, ‘tapos sa garage ako nagpapalit ng damit."
Sa likod din daw siya ng bahay dumadaan para maghugas muna bago pumasok sa kaniyang kuwarto para naman maligo.
Ipinaliwanag ni Alden na may mga kasama siya sa bahay tulad ng lolo at lola niya kaya todo ingat siya na hindi makapag-uwi ng virus.
“Kasi, I can’t risk the welfare and yung health situation ng lolo’t lola ko na kasama ko dito sa bahay.
“So, hindi ko talaga kaya silang magkasakit, especially now, medyo malala yung pandemic.”
Kasama rin ni Alden sa bahay ang ama niyang si Richard Faulkerson at bunsong kapatid na si Angel.
Kasama rin daw nila ang tatlong kasambahay na hindi na nakauwi matapos abutan ng enhanced community quarantine.
"So, no one can go out, no one can go in. ’Tapos yung runner lang [ang puwedeng lumabas], you just have to show the quarantine pass. And then, kailangan bumalik before 6 p.m., kasi may lockdown,” kuwento niya sa kanilang lugar sa Laguna.
Sabi pa ni Alden, may abiso sa mga residente na bago sumapit ang itinakdang curfew ay nakabalik na dapat sa bahay.
“Hindi na kami papapasukin… walang palakasan," sabi ng aktor.
“Yun ang isa sa mga natutunan ko ngayong quarantine that we are in right now. Parang regardless of who you are, what you have, sa matter ng life and death, pantay-pantay tayo, everyone is equal.
“So siguro, malaking eye-opener sa akin talaga, especially parang ang daming puwedeng mawala…We have to be selfless, take care of each other—related o hindi," patuloy niya.-- For the full story, visit PEP.ph