Kinumpirma ni Pauline Mendoza sa GMANetwork.com na nobyo niya ang batang alkalde ng Alaminos City, Pangasinan na si Bryan Celeste.

"Oo, once and for all, ladies and gentlemen, 'the Kambal, Karibal star revealed in a Skype interview with GMANetwork.com,'" sabi ni Pauline sa exclusive report ni Jansen Ramos.

Ayon sa 20-anyos na aktres, nakilala niya ang 23-anyos na alkalde sa pamamagitan ng common friends nila sa beauty brand na iniindorso niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Proud of this guy right here! @mayorbry ????????????

A post shared by Pauline Mendoza (@paulinemendoza_) on

 

"Nagkakilala kami through common friends sa Beautederm, sa aking endorsement, so do'n kami unang nagkita," saad niya. "Bago pa lang kami, two months, pero para pa rin kaming magbarkada, mag-friends.

Hanggat maaari, nais daw nilang maging pribado ang kanilang relasyon, at hindi naman daw sila nagmamadali.

Dahil magkalayo ang kanilang tirahan (sa Marikina si Pauline at sa Alaminos si Bryan), kinumusta ang kanilang long distance setup.

"For me, it's okay naman na long distance relationship kaming dalawa kasi, for me, parang nababalance din naman 'yung work namin, 'yung career and, at the same time, 'yung relationship namin," paliwanag niya.

"Nagwo-work naman sa 'min 'yung LDR kasi lagi naman kaming nag-uusap every night, every morning, nagvi-video call kami. tinatawagan n'ya ko. So sa relationship, totoo din na communication is the key so we have that always," dagdag niya. --For the full story, visit GMANetwork.com