Dalawang taon na ang nakalilipas pero hindi pa rin daw makapaniwala si Jeric Gonzales na yumao na ang kaniyang lola. Kaya naman inaalay niya rito ang bago niyang single na "Line To Heaven."

"Sa loved ones ko na nawala rin, na-feel ko na rin siya, most specially doon sa lola ko noong namatay siya two years ago and sa akin, hindi pa rin ako makapaniwala, unreal pa rin 'yung nangyari," saad ni Jeric sa panayam sa kaniya ng GMA News Online nitong Miyerkoles.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy 89th birthday in heaven Inana! I love you so much and I miss you ?

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07) on

 

Sa pamamagitan ng kanta, hiniling ni Jeric na muli sana niyang makapiling ang kaniyang lola.

"Nami-miss ko siya, gusto ko siyang makausap, makayakap so 'yun 'yung perfect song talaga na kahit konting oras, minuto, pagbigyan ako na kahit tawag lang, marinig ko 'yung boses niya tapos kung makapunta ako, mayakap ko siya," anang Magkaagaw actor.

Hindi raw malilimutan ni Jeric ang mga kuwento ng kaniyang lola kung paano siya inaalagaan nito noong sanggol pa lamang siya.

"'Yun 'yung pinaka, simple siya pero para sa akin siya 'yung pinakatumatak kasi every time na magkikita kami, ikukuwento niya talaga sa akin 'yung nangyayari sa akin noong baby ako, ganito kita alagaan, 'yung mga kumukurot sa pisngi mo. So ganoon. Sobrang reminiscing talaga," pag-alala ni Jeric.

Ang "Line To Heaven" ay original hit ng 90s band na INTRoVOYS na sinulat ng drummer na si Paco Arespacochaga.

Fan na raw si Jeric noon pa ng bandang INTRoVOYS, kaya nagpasalamat siya sa pagkakataon na bigyan ng bagong rendition ang Line To Heaven sa ilalim ng GMA Music.

"'Yung unique dito sa bagong rendition ko is 'yung arrangement namin is ibang iba doon sa original and itong arrangement namin dito is more on alternative rock na pinabilis namin 'yung beat, na medyo upbeat siya para hindi, I think 'yung song, hindi ganoon ka-totally sad," sabi ni Jeric.

"Kaya kapag narinig mo siya ngayon na compared doon sa before, medyo hindi mo agad mapapansin na it's a sad song kasi upbeat siya," dagdag pa niya.

Available ang "Line To Heaven" sa iba't ibang digital stores worldwide.--FRJ, GMA News