Inamin ni Denise Barbacena na isa si RJ Padilla sa mga nakatrabaho niya sa "Bubble Gang" ang hinding-hindi niya makakalimutan.
Ginawa ni Denise ang pag-amin nang sumabak siya sa segment ng programang "Mars Pa More" na "Patikim ng Intriga!"
Sa segment, mamimili si Denise kung titikim ba siya ng pandesal na may kakaibang palaman o aamin na lang sa inihandang tanong na nagsasaad na, "Sinong artista ang 'di mo malilimutan dahil pinaiyak ka nang matindi?"
Ayon kay Denise, ang boys ng "Bubble Gang" ang laging nagpapaiyak sa kaniya noon, lalo na noong bago pa lang siya na lahat ay pinapansin sa kaniya.
Pero pinakamatindi raw ang pang-aasar ni RJ, na ngayon ay nakabase na sa Australia kasama ang kaniyang pamilya.
READ: RJ Padilla, sobrang na-miss ang mga katropa sa 'Bubble Gang'
Special mention din sa pang-aasar si Boy2 Quizon.
Ayon sa host ng programa na si Iya Villania, maaaring ang naturang pang-aasar ang paraan ng Bubble Gang boys para lambingin si Dennis. Panoorin ang iba pang rebelasyon nina Denise at kapwa niya ka-Bubble Gang na si Analyn Barro.
--FRJ, GMA News