Mula sa pagiging hunk at boy-next-door, nag-transform ang ilang male celebs kabilang ang ilang Kapuso actors bilang naggagandahang dilag sa segment na "Bebot" ng "Eat Bulaga."

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing unang sumalang na naturang segment sina Kristoffer Martin a.k.a Engrandeng Engrande, at si Paul Salas, na nagpalit anyo bilang si Lisa Mauban.

Sumunod naman sa kanila ang si "Love You Two" star Clint Bondad, na naging si Shakira Brown, at naging Katy Perry Christmas si Carlos Agassi.

Hindi naman nagpahulis sina Jason Abalos aka Selena Stop and Gomez, at Mico Aytona na naging si Beyonce Knows Best.

Bukod sa ganda, nagpatalbugan din sa husay sa paghataw sa dance floor sina EA Guzman a.k.a  J. Low-Blood at Buboy Villar bilang si Kidney Spears.

Humabol din sina Manolo Pedrosa na all out na nag-perform bilang si Lady Baga at K-pop mode naman si Jak Roberto bilang si Nancy Langka.

Matapos ang botohan, nakapasok sa grand finals  ng Bebot at muling maglalaban sina Paul, Clint, Mico, EA, Buboy at si Jak.-- FRJ, GMA News