Ginulat ni Gabbi Garcia ang marami sa kaniyang bagong short hair style. Ayon sa aktres, pinag-isipan daw niya talagang mabuti ang ginawang pagpapaputol ng buhok.

"New look, alam mo 'yun? Five years ako in showbiz with same hair with the same look, so I wanted something new," saad ni Gabbi sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes.

Patuloy ng aktres, "Also for the summer. It took me a lot of guts to actually do it kasi alam mo na, all these years my hair has been so long, it's like my security blanket. Pero now it's feels parang, it's a brand new me."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

something new ????‍?? @delosreyesjason x @markanthonyrosales

A post shared by Gabbi Garcia ? (@gabbi) on

 

Tumatak na kay Gabbi ang kaniyang style at fashion sense nang pasukin ang mundo ng showbiz, bukod pa sa kaniyang talento sa pag-awit, pagsayaw at pag-arte.

Nakilala rin ang "Millennial It Girl" sa kaniyang long and silky black hair na abot hanggang beywang.

Samantala, inanunsyo rin ni Gabbi na ginawa niyang pag-audition sa isang international project na sana raw ay makuha niya.

Excited siyang makuha ang dream role, pero confidential pa ang proyekto.

Ayon sa aktres, big accomplishment ito para sa kaniya dahil talagang pinaghirapan at kinarir ang auditions para rito.

"It's something that we all grew up watching to, and it's an internatonal project na really close to my heart because I auditioned for it, I had call backs for it. So, very exciting," ayon kay Gabbi.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News