Mainit na pagtanggap ang sumalubong sa kauna-unahang “The Clash” champion na si Golden Cañedo nang bumalik sa kaniyang lalawigan sa Cebu nitong Biyernes.
Maliban sa dinaluhan niyang Kapuso Fans’ Day, binisita rin ni Golden ang munisipyo ng Minglanilla at courtesy call sa mga lokal na opisyal ng naturang bayan.
Nagsagawa rin ng motorcade si Golden at pinuntahan ang Tungcop Elementary School at UV Minglanilla High School kung saan siya nag-aral, bago natungo naman sa Barangay Tungkil para sa Barangayan.
Nakasama ni Golden sa Kapuso Fans’ Day na idinaos sa Robinsons Galleria kapwa-"Clash" graduates at “Matinik na Heartthrob ng Valenzuela” na si Anthony Rosaldo at ang “Tower of Power ng Olongapo” na si Garrett Bolden.-- FRJ, GMA News