Inihayag ng batikang aktres na si Elizabeth Oropesa na nakatanggap siya ng mga alok para tumakbo sa darating na May 2019 elections pero tinanggihan niya.
Noon pa raw April of this year ay inalok na siyang tumakbong mayor sa bayan ng Guinubatan sa Albay, pero tinanggihan rin niya.
At ilang linggo lamang ang nakakaraan mula noong inalok naman siyang tumakbo sa Quezon City.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elizabeth sa presscon ng bagong Kapuso teleserye na "Pamilya Roces," na ginanap kamakailan sa Quezon City.
Hindi na sinabi ni Elizabeth kung saang puwesto siya inaalok.
Lahad niya, “E, huwag na lang nating banggitin, kasi hindi naman ako interesado talaga.
“Talagang wala talaga sa dugo ko ang maging pulitiko.
“Baka lang ako makapatay o mapatay ako.
Sa Pamilya Roces ay gumaganap si Elizabeth bilang si Violet Bolocboc na kikay at mataray na babae.
Bulalas niya, “Anak ng patola, napakahirap nito, ah!
“Hindi ninyo ba napansin, na nobenta porsiyento ng mga ginagawa ko, palagi akong pobre, umiiyak at nagda-drama?
“Tsaka kung mag-comedy man ako, like in my forty plus, fifty years in showbiz, siguro dalawang beses lang ako nag-comedy, at hindi pa yung katulad dito.
“Ito talagang all-out, all-out, full comedy.
“And you know it’s more difficult to make people laugh than to make people cry.”
At may mga nagsasabi na siya ang standout sa show.
Aniya, “E, kasi lumabas yung normal ko.
“E, alam niyo naman ako, yung normal ko ganito na talaga.
Sa Pamilya Roces, muli rin niyang nakasama ang 1969 Miss Universe na si Gloria Diaz, na nakasama niya sa classic movie na " Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa" noong 1974.
Kumusta ang pagsasama nilang muli ni Gloria?
“As usual, away-bati kami.
“Napaka-bully ng bruhang yun, e!," biro niya.
Pagklaro niya, “We’re actually very good friends that’s why she can get away with it.
“We’re very, very close.
“Magkaibigan kami kahit na nung bata pa kami.
“Kahit hindi kami madalas magkasama, palagi kaming connected, you know.
“We talk to each other kahit sa ano lang, telepono, even before.”--For the full story, visit PEP.ph