Sa programang "Tunay Na Buhay," ibinahagi ni Ashley Rivera sa host na si Rhea Santos ang pinagdaanan niyang depresyon nang dahil sa isang mapait ng relasyon. Pag-amin pa ni Ashley, nagkaroon din siya ng suicidal thoughts. Panoorin ang kaniyang kuwento.
"Nag-start lang 'yang depression na 'yan when I got into a really parang toxic relationship with a guy. It was abusive... emotionally, verbally, sometimes physically," lahad ni Ashley.
Pero nilinaw niya na hindi naman umabot sa pambubugbog ang ginawang pananakit sa kaniya ng lalaki.
"But not naman yung tipong sasapakin ako but nandun yung force and everything," dugtong niya.
Sinabi ni Ashley na hindi niya inakala na magkakaroon ng matinding epekto sa kaniya ang hindi niya magandang karanasan sa naturang relasyon.
Pag-amin pa niya nagkaroon siya ng suicidal thoughts.
Hindi raw kasi siya ang tipo ng tao na handang harapin ang problema at sa halip ay nais niya itong takbuhan.
"If I can't handle a certain problem I just run. Parang I don't wanna deal with it, I don't like confrontation," ayon pa sa Kapuso talent.
Noong isang taon lang daw talaga unti-unting umayos ang kaniyang buhay at ibinahagi niya kung papaano niyang nagawang makabangon muli mula sa pinagdaanang depresyon.
Panoorin ang naturang panayam ng "Tunay Na Buhay" kay Ashley:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News