Mahigit isang taon matapos gumawa ng ingay sa social media, kumusta na kaya ang guwaping na "Carrot man" ng Mountain Province na si Jeyrick Sigmaton? Alamin sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
READ: Sino ang guwaping na si 'Carrot Man' ng Cordillera?
Sa tulong ng social media, nakilala si Jeyrick ng publiko at dumating sa kaniya ang mga magagandang oportunidad para makatulong siya sa kaniyang pamilya.
Nagkaroon na siya ng endorsement deals bilang isang modelo, mga TV at event guesting.
Napag-alaman na sa Baguio kasalukuyang naninirahan si Jeyrick at plano pa rin niyang ituloy ang kaniyang pag-aartista.
Nakaipon na raw siya ng kaunting kita na ginagamit niya sa pagpapaaral sa kaniyang mga kapatid.
Pero higit daw sa kasikatan na tinamasa niya, mas mahalaga raw kay Jeyrick ang pagkakaroon niya ng pagkakataong maibahagi sa mga tao ang kultura at tradisyon ng kaniyang tutubong tribo sa Mountain Province.
Bukod sa pag-aaralan, busy rin siya sa paggi-gym para magpalaki ng katawan.
Maliban kasi sa plano na ipagpatuloy ang pag-aartista, pangarap din niyang maging boksingero. Panoorin ang panayam ng "KMJS" kay "Carrot Man."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News