Nag-trending sa social media ang pangalan ng Kapuso actor at "Ika-6 Na Utos" leading man na si Gabby Concepcion nang maling mabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan niya sa talumpati sa halip na ang pangalan ng negosyanteng si Eugenio "Gabby" Lopez III.

Sa talumpati ni Duterte nitong Martes ng hapon, muli niyang binatikos si Lopez, chairman of ABS-CBN Corporation, dahil sa hindi umano pag-ere ng kaniyang campaign ad noong panahon ng eleksyon kahit bayad na.

"Sino naka-p— ina ninyong lahat. Ikaw? Gabby Concepcion, mukha kang pera, p— ina ka. Eh totoo man. Eh sus," saad ni Duterte.

Gayunman, naitama naman ni Duterte ang pangalan na Gabby Lopez sa sumunod na bahagi ng kaniyang talumpati.

Kasunod nito, lumabas na sa social media ang iba't ibang reaksyon ng netizens, pati na ang mga sumusubaybay sa "Ika-6 Na Utos," na batid ang karakter na ginagampanan ni Gabby sa serye bilang si "Rome."

 

 

Na ospital bigla dahil sa mistaken identity #mistaken #accident #ikaanimnautos #stray #wrong #wrongtarget #philippines ????????????

A post shared by Gabby Concepcion (@concepciongabby) on

 

 

-- FRJ, GMA News