Sa pagkakasungkit ng Men's Basketball Team ng gold medal para sa Pilipinas sa SEA Games 2017, inihayag ni Kobe Paras na masaya siya na maging bahagi ng team Gilas Pilipinas .
Sinabi ni Kobe na para sa bayan, lalo na sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi, ang kanilang tagumpay, nang mag-courtesy call ang basketball star kay GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, nitong Miyerkules.
"It just feels great just because I have been representing the country in different age groups and I started at the age 15. I'm 19 right now and it took me four years to be in the men's division," kuwento ni Kobe.
"I couldn't be happier representing the country because, hindi lang ako ang lumalaban para lang sa mga kababayan ko, pero sa mga sundalo sa Marawi," dagdag niya.
Masaya rin si Kobe na naipagpapatuloy niya ang ginawa noon ng kaniyang amang si Benjie na naging miyembro rin ng national team sa basketball.
"Andami niyang kwento (Benjie) tungkol sa paglalaro niya para sa bayan so, sabi nga niya, parang next generation na ako at ibang team mates ko because of their dads. It feels good that we're continuing our own legacy," pagpapatuloy ng nakababatang Paras.
Proud si Atty. Gozon sa napanood niyang performance ni Kobe, at hiling niyang matupad sana ng binata ang pangarap na makapasok sa NBA.
"Nakita ko siyang naglaro and I was very impressed. Kaya tingin ko puwedeng pang-NBA star itong si Kobe. Kaya nga ang sabi ko, that will be quite an honor kapag naging star siya ng NBA," saad niya.
Masaya rin si Kobe sa mainit na pagsalubong sa kaniya ng Kapuso network.
"It just feels good because ever since I was a kid, I was watching my dad in GMA, and now, I'm in the States, I see Andre acting for GMA, so it just feels good. My path is different, I'm playing basketball but they still take care of my dad and my brother," ayon kay Kobe, na kasama ang kapatid at ama sa pagbisita kay Atty. Gozon.
Samantala, very proud naman si Benjie sa nakakamit na tagumpay ng kaniyang anak.
"Of course I'm very happy and proud. That's what I told Kobe nga na he brought life and core during the SEA Games. Kung makikita at maririnig niyo yung fans do'n, grabe," kuwento niya.
Nasungkit ng Men's Basketball team ng Gilas Pilipinas ang gold medal sa SEA Games nang talunin ang Indonesia, 94-55.
Pagtutuunan ngayon ni Kobe ang kaniyang pag-aaral at paglalaro ng basketball sa California State University, Northridge sa Amerika.
"In a couple of days, aalis na po ako papunta sa States so I'm just gonna continue my career there. Hopefully, 'pag may free time, payagan akong maglaro kasi ito talaga yung gusto ko nung bata eh, to represent the country."
Payo sa kaniya ng GMA chairman: "Don't forget your studies. Importante rin na meron kang academic background. But at the same time, pagbutihin mo yung paglalaro mo ng basketball kung 'yan ang talagang future mo." -- FRJ, GMA News