Inanunsyo na ang engagement nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa kanilang programang "It Takes Gutz To Be a Gutierrez."
Inalok ni Richard ng kasal si Sarah nang magbakasyon sila sa Switzerland kamakailan.
May isang anak na sina Richard at Sarah na si Zion.
Sa Intagram account ni Richard, naka-post ang larawan nila ni Sarah na makikita ang kanilang engagement ring.
"I love you and I can't wait to start this new chapter of our lives together," saad ni Richard sa caption ng larawan.
Makikita naman sa post ni Sarah sa kaniyang IG account habang nakaluhod sa snow at nasa harap niya si Richard.
Caption ni Sarah sa larawan na may heart shape, "The stars aligned in the universe and this happened. I'm marrying my best friend."
Kasama naman si Ruffa Gutierrez sa mga bumati at masaya para sa dalawa.
"Soooo happy for you both!!," saad ni Ruffa sa kaniyang hiwalay na IG post.
-- FRJ, GMA News