Sa siyam na buwan na pagiging bahagi ni Super Tekla sa "Wowowin," marami ang kaniyang napasaya dulot ng kakaiba niyang atake sa pagpapatawa. Pero kamakailan lang ianunsyo niya na nagtapos na ang kaniyang "journey" sa naturang programa.
READ: Super Tekla, nagsalita na kung bakit hindi siya napapanood sa 'Wowowin'
Sa isang panayam naman ng GMA News nitong Huwebes, nilinaw naman ni Tekla ang mga maling hinala ng netizen na lulong siya sa sugal at nagbalik sa paggamot ng iligal na droga.
READ: Super Tekla, sinagot ang mga alegasyon na lulong siya sa sugal at bumalik daw sa droga
Para sa mga nami-miss si Tekla sa "Wowowin," balikan natin ang ilan sa mga funniest moment ng stand-up comedian na nagdulot ng saya sa mga manonood ng number one variety-game show ng GMA tuwing hapon.
Ang unang guesting ni Super Tekla sa "Wowowin"
Ang pagkaanunsyo ng pagiging regular ni Tekla sa "Wowowin."
Ang DonEkla tandem nila ni Donita Nose.
Alamin ang words of wisdom ni Tekla at sagot sa tanong na "What is your best asset?"
Batuhan ng knock-knock jokes.
Ang language tutorial ng DonEkla.
May inamin si Super Tekla kay Ariella Arida.
Alamin ang motto ni Tekla sa buhay.
Ang pangarap ni Tekla at mga kapatid na makapunta sa Maynila.
Ano ang inireseta raw ng duktor kay Tekla tungkol sa pagpapaganda.
DonEkla, Japanese-Mandarin version.
May pasabog ang DonEkla para sa mga Kapuso na sinamahan pa nila ng rap.
-- Jamin Santos/FRJ, GMA News