Inaasahang makalalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong "Nika" sa Martes ng umaga. Pero dalawa pang bagyo ang posibleng makaapekto sa bansa ngayong linggo.
Ayon sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes, nasa karagatan na ng Ilocos Sur si Nika matapos manalasa sa mga lalawigan sa northern Luzon, partikular sa Isabela at Aurora, at ilang lugar na hindi pa nakaka-recover mula sa pananalasa ng mga nagdaang bagyo.
Matapos ang hagupit ni Nika, ang ika-apat na bagyong pumasok sa Pilipinas sa loob ng 30 araw, maaaring masundan pa ito ng dalawang bagyo na tatawaging "Ofel" at "Pepito."
Sa 5 a.m. advisory ng PAGASA, nakasaad na si Ofel na isa pa lang "tropical depression" ay maaaring pumasok sa PAR sa Martes.
Namataan ito sa east ng Eastern Visayas at kumikilos pa-west northwestward.
“The TD may make landfall over Northern or Central Luzon on Thursday (14 November) evening or Friday (15 November) early morning,” ayon sa abiso ng PAGASA .
Mayroon umanong kabuuang apat na tropical cyclones ang sinusubaybayan sa loob at labas ng PAR.
Habang tinatahak ni Nika ang West Philippine Sea, nakataas ang Signal No. 2 sa tatlong lugar northern Luzon.
Samantala sa 11 p.m. tropical cyclone bulletin ng PAGASA nitong Lunes, nakasaad na taglay ni Nika ang pinakamalakas na hangin na 110 km/h malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 150 kph.
Umiiral ang Signal No. 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Abra.
Signal No. 1 naman sa mga lugar ng:
- La Union
- the northwestern portion of Pangasinan (Bolinao, Bani, City of Alaminos, Agno, Sual, Anda)
- Apayao
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Cagayan including Babuyan Islands
- the northwestern portion of Isabela (San Pablo, Santa Maria, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Roxas, San Manuel, Aurora, Quirino, Burgos, Tumauini, Gamu, San Mateo, Luna, Reina Mercedes, Cabatuan, Ilagan City)
Dakong 10 p.m., namataan si Nika sa coastal waters ng Cabugao, Ilocos Sur at kumikilos pa-northwestward sa bilis na 30 kph.
Ayon sa PAGASA, posibleng makalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Nika sa Martes ng umaga.
“Nika will continue to weaken for the next days and may become a remnant low over the sea near southern China. Nevertheless, it will remain as a severe tropical storm throughout its passage within the PAR region,” dagdag pa ng PAGASA. -- FRJ, GMA Integrated News