Ilang pasaway na motorista ang hinuli matapos silang dumaan sa EDSA Busway sa Ortigas.

Sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita, sinabing muling nagsagawa ang Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng operasyon sa EDSA-Ortigas nitong umaga at rush hour ng Martes.

Ilang motorista na ginamit ang EDSA bus lane ang inabangan ng mga operatiba, sinita at binigyan ng mga penalty ticket pagbaba nila ng Ortigas Flyover.


Depensa ng isang rider, nagmamadali siya sa trabaho habang ang isa naman, sinabing ngayon lamang siya dumaan ng EDSA.

Ang operasyon ng SAICT ay bahagi ng kanilang kampanya na siguraduhing nakalaan lamang para sa mga bus ang bus lane. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News