Inanunsyo ng AirAsia Philippines nitong Martes ang kanilang P1 one-way base sale para sa domestic flights.

Sa isang pahayag, sinabi ng AirAsia na mahigit 300,000 seats ang naka-sale sa lahat ng kanilang destinasyon.

Maaaring mag-book ng kanilang P1 one-way domestic flights base fare sale hanggang September 8, 2024.

May sale din ang AirAsia para sa kanilang international flights sa naturang booking period.

Ang biyahe papuntang Macau, nagkakahalaga ng Macau P511, at sa Tokyo na P1,811.

Ang travel period para sa booked flights na naka-sale ay mula February 17, 2025 hanggang January 31, 2026.

 

 

“The Ber month signifies the beginning of the culmination of the year. While others have already booked their year-end holiday travels courtesy of our double-digit and seasonal sales, this month’s Piso Sale is perfect for guests who are already planning their long vacations next year,” ayon kay AirAsia Philippines CEO Ricky Isla.

“We encourage our guests to take advantage of the ongoing Piso Sale and plan their trips ahead as this will not only help them save money, but will also allow them to maximize each schedule, giving them the opportunity to enjoy and create memories,” dagdag niya.

Maaari ding i-upgrade ang baggage allowance sa 60 kilos para sa mga may planong mag-uwi ng mga pasalubong.

Nagpaalala naman ang AirAsia sa mga pasahero na mahigpit na ipinatutupad ang cabin baggage policy na nililimitahan lang sa dalawa ang hand carry bags--isang maliit na bag o laptop bag at luggage na hanggang pitong kilo lamang.—mula sa ulat ni Ted Cordero/FRJ, GMA Integrated News