Isang kotse ang nagliyab sa bahagi ng EDSA-Ortigas Avenue Flyover nitong Huwebes ng umaga.

Base sa ulat ng MMDA, nagliyab ang sasakyan ng 9:10 a.m. sa westbound lane ng naturang flyover.

Sa ulat naman ng Balitanghali, sinabing panandaliang ipinatigil ang maraming sasakyan na dadaan sa flyover.

Naapula na ang apoy at naalis na rin sa lugar ang nasunog na kotse.

Nadadaanan na muli ang naturang bahagi ng flyover.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News