Kritikal ang kondisyon ng isang barangay kagawad matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nasa loob siya ng kaniyang sasakyan sa Ormoc City.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din sa Saksi, mapapanood sa video na nakatigil ang sasakyan nang tabihan ito ng isang motorsiklo.
Ilang saglit lang, nagpaputok na ang riding-in-tandem sa biktima, na siyang driver ng sasakyan. Agad ding umalis ang motorsiklo.
Nakalabas ang barangay kagawad upang humingi ng tulong.
Kritikal ang kaniyang lagay habang nagpapagaling sa ospital, ayon sa huling ulat. — Jamil Santos/ VDV, GMA Integrated News