Ilalagay sa yellow alert status ang Luzon at Visayas grid mamayang Miyerkules ng hapon, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ayon sa report ng GMA Integrated News Bulletin, magsisismula ito mula ala una ng hapon at tatagal hanggang 11 p.m. para sa Luzon at 10 p.m. naman para sa Visayas.
Inanunsiyo eto ng NGCP pagkatapos pumalya ang 18 planta sa Luzon habang tatlong planta naman ang umaandar sa mas mababang kapasidad. Sa Visayas, 13 planta ang pumalya at limang iba pa ang ang nag-ooperate sa mas mababang kapasidad.
Itinataas ang yellow alert kapag manipis ang reserba ng kuryente. —VAL, GMA Integrated News