Isang mananaya ang mapalad na nanalo ng mahigit P56 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 draw nitong Martes, Enero, 30, 2024.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na ang lumabas na mga numero sa Lotto 6/42 ay 38-20-19-04-16-40, na may kabuuang premyo na P56,638,411,00.

Samantala, wala namang nanalo sa iba pang major draw na kasabay nito.

Ang lumabas na mga numero sa Ultra Lotto 6/58 ay 36-51-01-56-04-42, at aabot ang jackpot nito sa mahigit P82 milyon.

Mahigit P27 milyon naman ang premyo sa Superlotto 6/49 na ang lumabas na mga numero ay 09-26-10-47-35-25.

Wala ring tumama sa 6D Lotto na ang kombinasyon ng mga numero ay 1-5-9-6-3-1, at umaabot na sa P5,877,898.00 ang premyo.—FRJ, GMA Integrated News