Sinagip ng mga awtoridad ang isang tuta na itinali at saka ibinitin sa isang tulay sa Sta. Mesa, Manila.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabing ang mga opisyal ng barangay ang sumagip sa tuta makaraang ipaalam sa kanila ang kaawa-awang sitwasyon nito.

BASAHIN: Aso na pinaniniwalaang lumaban sa cobra para protektahan ang amo, pumanaw sa CamSur

Sa video, maririnig ang pagkahol ng tuta habang nakalambitin, at makikita naman ang itinurong amo nito na nasa ibabaw ng tulay.

Nasa pangangalaga ng barangay ang tuta, habang ipina-blotter naman ang may-ari ng tuta na aminado sa kaniyang ginawa.

Nais daw bawiin ng amo ang tuta na alaga raw talaga ng kaniyang anak. --FRJ, GMA Integrated News