May pag-asa pang mapanalunan ang mga jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 at Superlotto 6/49 na mahigit P100 milyon matapos na walang manalo sa ginanap na mga draw nitong Linggo, Nobyembre 19, 2023.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na umabot na sa P150,866,428.60 ang premyo sa Superlotto 6/49.

Ang lumabas na mga numero nitong Linggo na hindi tinamaan ay 16-24-19-35-47-15.

Sa Facebook page ng PCSO, nakasaad na mayroong 30 mananaya na nanalo ng 2nd prize sa nasabing draw na may premyong P50,000.00.

Samantala, P139,853,615.80 naman ang premyo sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58, na wala ring nakahula sa lumabas na mga numerong 44-55-43-01-23-26.

Mayroong limang mananaya na nanalo ng 2nd prize na may premyong P120,000.00. -- FRJ, GMA Integrated News