Timbog ang isang lalaking half-Japanese at half-Pinoy matapos niyang saksakin ang isa pang lalaki na kumakausap sa kaniyang nobya sa Laguna.

Sa ulat ni John Consulta sa Saksi, sinabing patakas na sana ang 26-anyos na suspek nang madakip ng Los Baños Police.

Ayon sa pulisya, nagselos umano ang suspek sa biktima.

Nakunan pa sa CCTV na naglalakad ang suspek na tila walang nangyari matapos ang pananaksak.

Tumanggi siyang magbigay ng pahayag. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News