Para maiwasang mainip, naki-jamming na lang ang isang delivery rider habang hinihintay na matapos kumanta ang customer na hinatiran niya ng parcel.

@low05lopez I MUST BE FREE DELIVERY ??#foryoupage #fyp #tiktokersphilippines???????? ? original sound - LOUIE LOPEZ

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, mapapanood ang TikTok video ni Louie Lopez na naabutan niyang kumakanta ang nanay na hahatiran niya ng parcel.

Nakatuon si nanay sa pagkanta at tila hindi maistorbo, kaya naman nakikanta na lang si Lopez.

Pagkatapos ng performance ni nanay, napansin na niya si Lopez at dito na naihatid ang delivery. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News