Dalawang mataas na opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ang inalis sa puwesto at isasailalim sa imbestigasyon.
Sa ulat ni Jhomer Apresto sa Super Radyo dzBB nitong Lunes, hindi nito binanggit ang pangalan ng dalawang opisyal.
Pero sinabi umano ng BuCor Public Information Office, na may kaugnayan ang pag-alis sa puwesto ng mga opisyal sa nawawalang bilanggo sa maximum security compound.
???????????????????? ????????????????????????: Dalawang mataas na ???????????????????????????? ???????? ???????????????????????? ???????? ???????????????????????????????????????????? o BuCor, ???????????????????????????? ???????? ???????????????????????????? kaugnay sa pagkawala ng isang preso sa maximum security compound . | via @jhomer_apresto pic.twitter.com/iVikuLxlJv
— DZBB Super Radyo (@dzbb) August 7, 2023
Unang iniulat na nawawala sa NBP noong nakaraang buwan si Michael Cataroja, at hindi pa rin malaman sa ngayon kung saan ito napunta o ano ang nangyari sa kaniya.
Samantala, naglabas ng pahayag si BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., kaugnay sa pag-alis niya sa puwesto kina Deputy Director General for Administration Gerald Aro at Deputy Director for Operations and Head Executive Assistant Angelina Bautista.
Ayon kay Catapang, iimbestigahan ang dalawang opisyal kasunod na rin sa mga naging katanungan ng mga mambabatas sa nangyaring pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety.
Kabilang sa mga natalakay sa naturang pagdinig ang nangyari sa nawawalang si Cataroja, at mga isyu ng umanong patayan sa Bilibid.
Sinabi naman ni Bautista na handa niyang harapin ang imbestigasyon.
“I ask that I be relieved of my position so as not to taint the good name of our Director General,” ani Bautista.
Kaugnay nito, papalit si Rufino Martin sa inalis na si Aro, na superintendent ng Davao Prison and Penal Farm.
Ayon kay Catapang, magiging daan ang isasagawang imbestigasyon para malinis ng mga opisyal ang kanilang mga pangalan. —FRJ, GMA Integrated News