Nasawi ang isang tatlong taong gulang na babae matapos siyang tagain sa ulo ng isang lalaking pumasok sa kanilang bahay at nag-amok sa Lamitan, Basilan.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, na iniulat din sa Saksi, sinabi ng Lamitan Police na bigla na lamang pinasok ng suspek ang kanilang bahay at pinagtataga ang mga biktima.

Dead on arrival sa ospital ang batang biktima.

Nadakip ang suspek na lulong umano sa droga, at nahaharap sa reklamong murder at frustrated murder. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News