Nahukay ng ilang paleontologist ang mga buto ng isang Chucarosaurus, na isa sa itinuturing na pinakamalaking dinosaur sa Rio Negro, Argentina.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing umaabot ng 50 tonelada ang bigat at 98 talampakan ang haba ng Chucarosaurus.

Unang nadiskubre ang Chucarosaurus noong 2018 at plano nila itong i-display sa isang museum sa Argentina.

Natumba pa ang van na pinaglagyan nito sa laki at bigat ng mga buto.

Mahigit 100 na ang natagpuang dinosaur species sa Argentina. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News