Pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na ang 5,000-taong punong kahoy sa Chile -- na ngayon ay nasa proseso ng pagkilala bilang pinakamatandang puno sa mundo -- ay pwedeng makapagbigay ng ilang mga sikreto ng ating mundo, lalo na kung paano ito nag-a-adapt sa climatic changes dahil sa haba ng panahong nabubuhay ang naturang puno.
Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, malamang malalagpasan na sa edad ng cypress tree na tinatawag sa Chile na "Great Grandfather" ang 4,850-anyos na pine tree "Methuselah" na nasa California sa United States.
Nasa proseso na umano sa pagkilala na pinakamatandang puno sa mundo ang "Great Grandfather" tree na may taas na 28 metro at aabot sa 4 metro ang dayametro ng pinakamababang bahagi ng puno, ayon sa AFP.
'It's a survivor': a cypress in southern Chile known as 'The Great Grandfather' could be up to 5,000 years old, making it the oldest known tree in the world Chi//u.afp.com/i6X3 pic.twitter.com/Ymg3wOs5kT
— AFP News Agency (@AFP) April 22, 2023
Dagdag ng ulat, pinaniniwalaang nagtataglay ang puno ng mga scientific information na maaaring maging susi sa pag-unawa kung paano nakibagay o nag-adapt ang ating mundo sa pabago-bagong klima o climate changes. —LBG, GMA Integrated News