Nagliwanag ang kalawakan sa nakamamanghang animo'y pagtatanghal sa kaulapan nang biglang sumabog ang mga makukulay na ilaw sa Northern Finland noong ika-23 ng Marso.
Ayon sa tweet ng Agence France-Presse nitong araw ng Linggo, ang indayog ng makukulay na ilaw ay dala ng isang malakas na "geomagnetic storm" o magnetic storm.
???? A spectacular display of colourful lights illuminates the skies in Northern Finland caused by a powerful geomagnetic storm. pic.twitter.com/0w8TnFNGJl
— AFP News Agency (@AFP) March 25, 2023
Ayon sa scientific sources ng Wikipedia, ang magnetic storm ay nangyayari kung magsalubong sa kalawakan ang magnetic field ng mundo at solar wind o bugso ng magnetic particles galing sa araw.
Nangyayari ang salpukan ng magneric fields ng mundo at ng araw sa bahagi ng kalawakan ng mundo na tinatawag na magnetosphere. —LBG, GMA Integrated News