Sa kulungan ang bagsak ng isang Syrian national na may mga parokyanong dayuhan at mayayamang Pilipino matapos masabat ang milyun-milyong pisong halaga ng droga sa kaniyang condo unit sa Mandaluyong City.

Sa ulat ni John Consulta sa “24 Oras Weekend” nitong Sabado, mapapanood ang ginawang raid ng NBI-Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) sa unit ng dayuhang suspek.

Kabilang sa droga na nasamsam ang kush, GHB na nasa liquid form at ecstasy, ayon kay Atty. Gertrude Paris Manandeg, deputy spokesperson ng NBI.

Bago isagawa ang raid, nagsagawa muna ng test buy sa suspek ang mga awtoridad.

At nang maghalughog ang mga awtoridad, natagpuan sa kaniyang vault ang mahigit P2 milyon na hinihinalang drug money.

SInampahan ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek, na walang pahayag. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News