Sa isang pambihirang pagkakataon nasilayan sa ilang bahagi ng Europe ang Green Comet.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nasilayan ang comet sa Greece, Italy, at Spain.
Dagdag ng ulat, nadiskubre ang Green Comet noong March 2022 ng mga astronomer sa San Diego, USA.
Sa layo na 42.5 million miles, ito umano ang pinakamalapit na pagdaan ng comet sa Earth sa nakalipas na 50,000 taon.
Nasilayan din umano ang Green Comet sa Asya, kabilang na ang Pilipinas. —LBG, GMA Integrated News