Patay ang isang babae matapos siyang pagbabarilin sa Baclaran, Parañaque City nitong Linggo ng gabi.
Nakilala ang biktima na si Manilyn Guinto, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.
Kasalukuyang isinasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima.
Ayon sa pulisya, may tama ng bala sa ulo ang biktima.
Inaalam pa ang posibleng motibo sa pagkakapaslang sa kanya.
Walang pahayag ang pamilya ng biktima na nakipag-ugnayan na rin sa pulisya. —KG, GMA Integrated News