Handa raw ang kampo ng SUV driver na nakabangga ng ilang sasakyan sa Mandaluyong City nitong Martes na tumulong sa mga nasugatan.
Ayon kay Attorney Paul Roldan, legal counsel ng SUV driver, pinaplantsa na nila kung paano makakatulong sa mga biktima lalong lalo na doon sa mga nasa ospital pa, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.
Labingtatlong indibidwal ang nagsampa ng reklamo laban sa SUV driver. Apat sa mga nagreklamo ay may-ari ng mga sasakyan na nagtamo ng minor injuries.
Nitong Martes ng umaga, nakuhanan ng CCTV ang pag-araro ng isang SUV pagkatawid nito ng Shaw Boulevard patungong San Miguel Avenue.
Ayon sa pulisya, walong sasakyan at apat na motorsiklo ang nabangga sa naturang aksidente. —KG, GMA Integrated News