Mahigit dalawang linggo bago ang Bagong Taon, ilang bata ang nakitang nagpapaputok ng ipinagbabawal boga sa Koronadal City sa South Cotabato.

Sa ulat sa “Unang Balita” nitong Miyerkoles, sinabing sinusubukan lang ng dalawang bata ang boga. 

Magpapaputok lang daw sila sa pagsapit ng Pasko at Bagong Taon.

Kabilang ang boga sa listahan ng Philippine National Police at Department of Health na ipinagbabawal na paputok dahil sa panganib na dala nito.—Mel Matthew Doctor/LDF, GMA Integrated News