Patay ang isang lalaki sa Parañaque City matapos umanong ubusin sa katawan ng biktima ang mga bala ng kalibre .45 ng mga suspek na bumaril sa kanya.

Sa ulat ni Darlene Cay sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nangyari ang pamamaril ng dalawang nakamotorsiklo sa biktima sa Barangay San Isidro. 

Ayon sa live-in partner ng biktimang kinilalang si Ruben Trinidad, naglalakad sila nang bigla na lamang silang tambangan ng mga salarin.

Tumigil lamang umano sa pamamaril ang mga salarin ng tila ubos na ang bala ng kanilang baril.

Inaalam pa ng pulisya pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin. —LBG, GMA Integrated News