Mahigit tatlong minuto ang nalalabi sa laro, itinigil ang laban ng De La Salle-College of Saint Benilde at Jose Rizal University sa NCAA Season 98 nang sumugod si John Amores sa Heavy Bombers, at manapak ng ilang manlalaro ng Benilde nitong Martes sa FilOil Flying V Arena.
Lamang ang Benilde sa iskor na 71-51, at 3:22 na lang ang nalalabi sa fourth quarter nang mangyari ang kaguluhan.
Nagpasya ang NCAA Management Committee na huwag nang ituloy ang laro, "to avoid further escalation of untoward incidents and for the safety of players, coaches, and audience."
Sang-ayon naman ang kinatawan ng dalawang paaralan na sina Mr. Dax Castellano ng Benilde at Mr. Paul Supan ng JRU, sa naturang desisyon.
Dalawang manlalaro ng Benilde ang nakita sa video na nahagip ng kamao ni Amores. Kinailangang samahan ng security si Amores sa pag-alis sa hardcourt.
Magsasagawa ng imbestigasyon ang pamunuan ng liga upang patawan ng parusa ang mga sangkot sa gulo.
Umangat ang kartada ng Benilde sa 10-3, habang may bumagsak ang marka ng JRU sa 6-7.—FRJ, GMA Integrated News