Aresdato ang dalawang lalaki sa isinagawang Oplan Sita ng Makati City Police.

Inulat ng Unang Balita nitong Miyerkules na hindi umano ipinakita ng rider ang kanyang lisensya at mga dokumento sa isang police inspection.

Tinangka pa umanong takasan ng mga suspek ang mga pulis.

Kinapkapan ang rider at ang kanyang angkas at doon na umano nakuha ang isang baril at dalawang sachets ng hinihinalang shabu.

Dinala muna ang dalawang suspek sa ospital para sa checkup, at saka ikinulong. —LBG, GMA News