Isang sentimo na lang at sasampa na sa P59:$1 ang palitan ng piso kontra sa dolyar ng Amerika. Ang galaw ng piso, masusi umanong sinusubaybayan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ayon sa Office of the Press Secretary.
Sa kalakalan sa merkado ngayong Martes, natapyasan ng 49 na sentimos ang halaga ng piso para magsara sa panibagong all-time low na P58.99:$1.
Ito na ang ika-11 na all-time low ng piso laban sa dolyar ngayong Setyembre: September 2 (P56.77:$1), September 5 (P56.999:$1), September 6 (P57.00:$1), September 8 (P57.18:$1), September 16 (P57.43:$1), September 20 (P57.48:$1), September 21 (P58$1), at September 22 (58.49:$1).
Mula Enero 2022, umabot na sa P7.99 o 15.7% ang ibinaba ng halaga ng piso laban sa dolyar na P50.999:$1 na nagsara sa huling trading day noong 2021.
Nangyari ang panibagong paghina ng piso laban sa dolyar matapos na magpatupad muli ang Federal Reserveng Amerika ng pagtaas sa kanilang policy rates ng 75 basis points.
“Higher US interest rates or bond yields increase the attractiveness or allure of the US dollar, with high interest rate income on US currency-denominated deposits/bonds/other fixed income instruments,” paliwanag ni Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) Chief Economist Michael Ricafort sa ipinadalang mobile message.
“Local monetary authorities signaled possible surprise or off-cycle local policy rate hike/s, more intervention in the local foreign exchange markets; both of which could help stabilize the peso exchange rate, as well as overall inflation,” dagdag niya.
Nitong nakaraang linggo, nagpatupad din ang Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng policy rate hike ng panibagong 50 basis points.
Inaasahan na aabot ngayong taon ang inflation rate sa 5.6%, mas mataas sa naunang pagtaya na 5.4%.
Sinabi rin ni Ricafort na maaaring makaapekto sa local financial markets ang pinsalang idinulot ng Typhoon Karding (international name: Noru), na maaaring magpataas sa presyo ng mga pagkain at iba pang agricultural products.
“The peso also weaker after the local stock market, the PSEi, declined for the fourth straight trading day,” saad niya.
Samantala, sinabi ni Office of the Press Secretary Ttrixie Cruz-Angeles, na kahit hindi natalakay sa 9th Cabinet meeting ang paghina ng piso ay masusi itong pinapasubaybayan ni Marcos.
"The President is in constant touch with the economic team and they are closely monitoring this. As you know naman, the inflation rate isn't due to any local factors. It's really about the exchange rate," pahayag niya sa press briefing nitong Martes.
"But, it is a matter for the President, which the President closely monitors on a regular basis," dagdag niya.--FRJ, GMA News