Hinangaan ang tatlong senior citizen sa Taguig matapos magtapos ng pag-aaral sa Alternative Learning System (ALS).

Sa Ulat ng Unang Balita nitong Lunes, kinilala ang tatlong senior citizens na sina Moises Anthony Diaz, Luzviminda Fajardo, at Erlinda Dekumo.

Si lolo Moises, nagtapos ng Junior High School sa edad na 82.

Si lola Luzviminda naman ay nagtapos ng High School sa edad na 73.

Samantala, elementarya naman ang tinapos ni Lola Erlinda sa edad na 63.

Kabilang ang tatlo sa mahigit isang libong mag-aaral na nagtapos sa ALS.

Nagpasalamat din ang mga senior citizen sa mga taong tumulong sa kanila upang makamit ang inaasam na diploma.--Alzel Laguardia/FRJ, GMA News