Dalawang lalaki ang arestado matapos maaktuhang nagsasabong sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa ulat ng Unang Balita, nadakip si Romel Arogante at Orlando Lingling nitong Linggo matapos makumpiskahan ng manok na panabong at halagang 840 pesos na “bet money.”

Ayon sa pulisya, matagal nang inirereklamo ang ilegal na pagsusugal sa lugar.

Ayon sa ulat, hindi na nakuhanan ng pahayag ang mga suspek na nasa kustodiya na ng mga awtoridad. — Alzel Laguardia/RSJ, GMA News