Patuloy ang pagdausdos ng halaga ng piso sa nakalipas na apat na araw. Nitong Martes, nakapagtala ito ng panibagong all-time low sa harap ng paglakas ng halaga ng American dollar.
Sa kalakalan ngayong Martes, natapyasan ng 0.1 sentimos ang halaga ng piso para tuluyang sumampa sa P57:$1 na palitan, mas mababa sa P56.999:$1 nitong Lunes.
“Still on USD strengthening on Fed hike signals, plus import season is starting so more demand for USDs locally,” ayon kay Security Bank chief economist Robert Dan Roces sa isang mobile message.
Inaasahan naman na makatutulong ang pagdating ng remittance mula sa mga Pinoy sa abroad ngayong panahon ng kapaskuhan para makahinga ang piso laban sa dolyar.
“Peak remittance season is coming up, so it may help cap the weakening,” ani Roces. “However, this still depends on how strong the USD will get given the Fed’s hike pace.” — FRJ, GMA News