Isang batang babae na mahigit isang-taong-gulang ang nasawi nang tamaan sa ulo ng yelo na dulot ng matinding hailstorm sa Catalonia, Spain.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabi ng awtoridad na bukod sa batang nasawi, mayroon pang 50 katao ang nasaktan.
May mga sasakyan, bubungan at iba pang gamit ang napinsala.
Ilan kasi sa mga bumagsak na mga yelo ay kasinglaki umano ng kamao ng tao.
Sa ulat ng Reuters, kaniya-kaniya umano ng silong o tago ang mga tao para makaligtas sa bumabagsak na yelo.
Ayon sa Catalan meteorological office o MeteoCat, ang nagbagsakang hailstones sa Catalonia ang pinakamalaki na naitala sa nakalipas na dalawang dekada.
Karaniwan umanong nangyayari ang hailstorm dahil sa matinding thunder storm.--FRJ, GMA News