Nakuhanan ng video ang pagtama ng malaking bato sa isang bahay sa China.

Maswerte namang naramdaman ng matandang may-ari ng bahay, na nakaupo sa labas, ang panganib at nakaalis siya bago pa tumama ang bato.

Makikita sa video, na ipinalabas sa Unang Balita, ang pagkawasak sa bahay.

Pahayag ng mga awtoridad, gumulong galing sa bundok ang bato na may bigat na dalawa hanggang tatlong tonelada.

Wala umanong naiulat na nasaktan sa insidente. —LBG, GMA News