Nagtalaga si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ng tatlong bagong undersecretaries sa Department of Justice, ayon kay Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ito ay sina Jesse Andres, dating chief of staff ni dating vice president Noli de Castro; Geronimo Lim Sy; at Jose Ragus Cadiz Jr.
Hindi naman inalis si Usec. Deo Marco, habang itinaas sa puwesto at ginawang undersecretary din si Nicholas Ty, na dating assistant secretary.
Ayon kay Remulla, magkakaroon pa ng mga dagdag na itatalaga sa puwesto.
Ang mga pinalitan na dating undersecretary ay sina Adrian Sugay, Emmeline Aglipay-Villar, at Jon Salvahan. — FRJ, GMA News