Nadagdag na ang Thailand sa mga bansa sa Asya na may kompirmadong kaso ng monkeypox.
Sa ulat ng Reuters, kinumpirma ng health ministry ng Thailand na isang 27-anyos na Nigerian national unang kaso monkeypox infection sa kanilang bansa na nasa Phuket.
Nagpunta umano ang pasyente sa Nigeria, at isang linggo nang masama ang pakiramdam, ayon sa senior health official na si Opas Karnkawinpong.
Bukod sa Thailand, may iniulat na rin ng kaso ng monkeypox sa Singapore at South Korea.
Karaniwang nagkakaroon lang ng kaso ng monkeyfox sa West at Central Africa. Pero ikinabahala ito ng mga dalubhasa nang magkaroon na rin mga kaso sa Amerika at maging sa Europe.
Sa ngayon, mahigit 6,000 kaso na ng monkeypox ang iniulat mula sa 58 bansa, ayon sa World Health Organization. — Reuters/FRJ, GMA News