Si Paul Soriano ang direktor ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza.
Sa ulat ni GMA News’ Tina Panganiban Perez, sinabi rin ni Mendoza na “an individual from Ilocos” ang aawtit ng Lupang Hinirang.
Aabot umano sa 1,365 personalidad ang inimbitahan na dumalo sa SONA, kabilang si Vice President Sara Duterte, at mga dating lider ng bansa at pinuno ng Kamara de Representantes at Senado.
Inimbitahan din ang diplomatic corps, justices, at miyembro ng Gabinete ni Marcos.
Mahigit 21,000 security personnel ang ipakakalat sa araw ng SONA na itatalaga sa iba't ibang lugar, kabilang na sa paligid ng Batasang Pambansa sa Quezon City, ayon sa National Capital Region Police Office.
Magpapatupad din ng gun ban sa Metro Manila mula July 22-27, kaya ipinagbabawal ang pagdadala ng armas sa labas ng bahay, ayon pa sa pulisya.– FRJ, GMA News