Patuloy ang paglakas ng dolyar na lalo namang nagpahina sa halaga ng piso.
Ngayong Huwebes, natapyasan pa ng 23 sentimos ang halaga ng piso kontra sa dolyar sa nagsara sa palitang P54.7:$1.
Ito na ang pinakamahinang halaga ng piso laban sa dolyar sa nakalipas na 16 na taon, na P54.74:$1 noong November 21, 2005.
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. Chief Economist Michael Ricafort, ang paghina ng piso ay indikasyon ng "more possible rate hikes" sa bansa.
“The peso exchange rate again weaker… amid consistent relatively dovish signals / reiteration of gradual +0.25 local policy rate hike in the coming months amid more bigger and faster Fed rate hikes (sa US) recently and the coming months,” paliwanag niya.
“Thereby making interest differentials in favor of the US dollar versus major global / Asian / ASEAN currencies that also weakened versus the US currency as a result,” dagdag pa ni Ricafort.
Sinabi naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Francisco Dakila Jr. na sa year-to-date basis, naglalaro ang halaga ng piso sa average na P51.98:$1, na pasok pa umano sa P51:$1 to P53:$1 assumption ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).
“We can see that the recent weakening of the peso along with other currencies in the region is consistent with the more aggressive monetary policy normalization in advanced economies, particularly that by the US Fed,” paliwanag niya.— FRJ, GMA News