Tinatayang nasa 920 katao ang nasawi sa pagtama ng malakas na lingol sa Afghanistan. Inaasahan pa ng mga opisyal na posible pang madagdagan ang mga biktima habang patuloy ang rescue operation.
Nasa magnitude 5.9 ang lindol na tumama sa naturang bansa na nakararanas na humanitarian disaster mula nang bumalik sa kapangyarihan ang mga Taliban noong August 2021, ayon sa ulat ng Agence France-Presse.
Patuloy umanong nadadagdan ang bilang ng mga nasasawi mula sa mga naninirahan sa kabundukan na tinamaan ng lindol na hindi madaling puntahan.
Kaya naman naniniwala si Supreme leader Hibatullah Akhundzada, na posibleng madagdagan pa ang mga bilang ng nasasawi.
"So far the information we have is that at least 920 people have been martyred and 600 injured," ayon naman kay Sharafuddin Muslim, deputy minister for disaster management sa press conference sa Kabul.
Una rito, sinabi ng tribal leader mula sa Paktika, isa sa mga matinding tinamaan ng lindol, na nagsisikap ang mga nakaligtas at mga rescuer na tulungan ang mga naapektuhan ng trahedya.
"The local markets are closed and all the people have rushed to the affected areas," pahayag ni Yaqub Manzor sa AFP nang makausap sa telepono.
Sa tweeter post, nanawagan si Anas Haqqani, isang senior Taliban official, sa international community and aid agencies na tulungan ang kanilang kababayan.
Nag-alok naman kaagad ng tulong ang United Nations at European Union.
"Inter-agency assessment teams have already been deployed to a number of affected areas," ayon sa UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (UNOCHA) sa Afghanistan.
"The EU is monitoring the situation and stands ready to coordinate and provide EU emergency assistance to people and communities affected," sabi naman ni Tomas Niklasson, EU special envoy for Afghanistan. — AFP/FRJ, GMA News