Natagpuan sa ilog sa Parañaque City ang bangkay ng isang lalaki na ayon sa mga pulis ay tumakas sa kulungan.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules, kinilala ang lalaki na si Mark John Paul Canonigo, 18-anyos.

Sa imbestigasyon ng Parañaque City Police, sinabing tumakas umano sa kulungan si Canonigo. Tumalon daw ito sa ilog nang habulin ng mga pulis.

Dagdag ng mga awtoridad, may kaso si Canonigo  sa paglabag sa batas hinggil sa Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

Miyembro rin umano ito ng isang gun for hire syndicate.  —LBG, GMA News